Tingog1

Alagang Tingog binuksan sa Candelaria, Zambales

155 Views

NAGBUKAS ng sangay ng Alagang Tingog Center (ATC) sa Candelaria, Zambales upang mailapit sa publiko ang serbisyo ng gobyerno.

Ang pagbubukas ng ATC ay naging posibleng sa tulungan ng Office of Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Tingog Party-list Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre atZambales 2nd District Rep. Doris E. Maniquiz.

Dumalo sa inagurasyon ng ATC sina Candelaria Vice Mayor Gilber Hermoso, Acidre, House Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” Gabonada, ABC President Alvin Mana, at mga opisyal ng eskuwelahan, barangay at mga municipal coordinator.

Nagpasalamat si Gabonada, ang kumatawan kay Speaker Romualdez kay Maniquiz at sa mga residente ng Zambales sa kanilang suporta sa inisyatiba ng Tingog Party-list.

“Nandito na ang kusina ng Tingog Party-list, para araw-araw ninyo pong matitikman ang putahe ng programa at serbisyo para sa mga mamamayan ng Zambales,” ani Gabonada.

Sinabi naman ni Acidre na ang suportang ibinigay ng mga residente sa Tingog at susuklian ng serbisyo. “Kami naman ang magbabalik ng tulong at suporta na ibinigay nyo sa amin sa panahon ng aming pangangailangan,” ani Acidre.

Ayon kay maniquiz ang ATC sa Zambales ang kauna-unahan sa Luzon sa labas ng Metro Manila.

Matapos ang blessing at ribbon cutting, nagsagawa ng payout sa lugar ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at pinagkalooban ng tig-P2,000 cash aid ang may 1,031 residente ng Candelaria, Sta. Cruz, at Masinloc.