Guro Source: DepEd file photo

Allowance ng mga teachers sa Maynila pwede na makuha

Edd Reyes Oct 6, 2025
114 Views

MAKAKATANGGAP na uli ang mga public school teachers at at non-teaching personnel ng allowance simula sa Oktubre 7, ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.

Nakatulong sa Maynila ang nalikom nilang P160 milyong nakolekta sa mga contractors na may mga proyektong ginagawa sa lungsod pero hindi kumuha ng kaukulang permiso.

“We have collected P160 million from those contractors. Ang tawag natin doon, windfall. Because of that, I’m happy to announce, I’ve finished all 100-plus documents signed for our beloved teachers of Manila.

May utang ang Maynila sa kanila,” sabi ng alkalde.

Ayon sa alkalde, ang unang bahagi ng allowance para sa buwan ng Abril na nagkakahalaga ng P25 milyon ay ipamamahagi sa humigit-kumulang sa 11,000 guro at non-teaching staff sa ilalim ng Schools Division Office ng Maynila.

“Kahit mahirap, kahit sumuot tayo sa karayom, iraraos natin. At least man lang to send a message, given we have much resources, we can address this obligation,” sabi ng alkalde.

Sa tulong ng City Treasurer’s Office, City Legal Office at ng “Sumbong sa Pangulo” platform natukoy nila ang malaking pagkakautang ng mga contractors sa lungsod.

Pinasalamatan din ng alkalde ang mga guro sa kanilang mahabang pasensya sa paghihintay ng naantalang allowance dahil na rin sa hindi naging maayos na kondisyong pananalapi na kanyang dinatnan.