Isko Panauhing pandangal si Manila Mayor Isko Moreno sa Kapihan ng Samahang Plaridel sa Rizal park Hotel. Ibinahagi ni Yorme Isko ang mga nagawa niya sa kanyang first 100 days. Sa pagdalo sa “Kapihan ng Samahang Plaridel” sa Rizal Park Hotel noong Lunes, sinabi rin ng alkalde na tinutugunan niya ang panawagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na maghanda para sa posibleng pagtama ng “the big one.” Kuha ni JonJon Reyes

Big 1? Handa kami d’yan–Yorme

Edd Reyes Oct 6, 2025
131 Views

INIHAHANDA na ni Mayor Isko Moreno Domagoso ang Maynila sa mga dapat gawin kung tatama ang malakas na lindol sa Metro Manila.

Sa pagdalo sa “Kapihan ng Samahang Plaridel” sa Rizal Park Hotel noong Lunes, sinabi ng alkalde na tinutugunan niya ang panawagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na maghanda para sa posibleng pagtama ng “the big one.”

Sinabi niya na kung normal na kalamidad lang tulad ng “Ondoy” at malaking sunog, handa naman sila dahil may sapat silang doktor, medical frontliners, first responders, evacuation sites at ambulansiya at iba pang sasakyan na magagamit.

Nagpasalamat din ang alkalde sa School Division Office dahil nang muli siyang umupo bilang alkalde, nagpasiya ang school board na payagan silang magamit ang mahigit 100 pampublikong paaralan kapag may malaking sakuna.

“In fairness sa mga principal, yung mga nasunugan lately, ina-accommodate nila, lalo na sa Vicente Lim Elementary School dito sa west of Manila.

So, sa facility, meron, professionals, meron, capacity in terms of transport, meron, gamot, na-stabilize na natin ang mga supplies despite na there is about P2 billion obligation in the past, meron,” sabi pa ng alkalde.