Marilou Cayco, bagong kongresista ng Batanes
Nov 29, 2026
Girlash papansin mashado
Nov 29, 2026
P1K ipinamahagi sa mga lolo, lola sa Jaen
Nov 29, 2026
Calendar
Provincial
Kelot inambush sa loob ng sasakyan, patay
Jojo Cesar Magsombol
May 3, 2026
570
Views

PATAY ang isang lalaki matapos pagbabarilin ang sasakyan niya ng mga di-kilalang salarin sa Golden Leaf subdivision sa Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal noong Biyernes.
Kinilala ng mga pulis ang napatay na si alyas Chakie.
Nabatid sa imbestigasyon na nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril ang mga kalapit na residente sa nabanggit na lugar.
Ilang sandali pa, nakita nila ang isang L300 na sasakyan na sumadsad sa gilid ng kalsada at kitang-kita ang mga butas ng bala sa mga bintana nito.
Pagdating ng barangay captain sa lugar, natagpuan ang duguang biktima sa loob ng sasakyan.
P1K ipinamahagi sa mga lolo, lola sa Jaen
Nov 29, 2026
Mga iskolar ng SM lisensiyadong inhinyero na ngayon
Nov 28, 2026
Buwanang fitness test ginanap para sa BPPO
Nov 28, 2026

