Calendar
Presyo ng gas, krudo prices sa Martes
MAGMAMAHAL ang diesel ng 80 sentimos kada litro at 20 sentimos per litro ang gasolina at kerosene simula alas-6:01 ng umaga ng Martes.
Sa anunsyo ng Petron Corporation, Pilipinas Shell, at Chevron Philippines Inc, ito na ang ika-7 sunud-sunod na pagtaas ng halaga ng diesel at kerosene at ika-anim na sunod na linggo naman sa gasolina.
Nag-anunsyo na rin ng kahalintulad na halaga ng pagtataas ng presyo ng diesel at gasolina ang PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum habang alas-4:01 ng hapon naman ang simula ng price increase ng Clean Fuel.
Nauna ng sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) na ang nagpataas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan ay dulot ng pagpapataw ng parusa ng Estados Unidos sa Iran at ang napipintong pagbabawas ng produksyon ng langis sa Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) at mga kasapi nito.

