Santiago Isinalaysay ni NBI Director Jaime Santiago ang ginawang pagsalakay sa mga establishments at warehouse ng mga pekeng insecticides sa Valenzuela at Tondo, Manila. JONJON C. REYES

NBI kinumpiska P1.9M insecticides

Jon-jon Reyes Oct 6, 2025
105 Views

NASABAT ng mga agents ng National Bureau of Investigation-Intellectual Property Rights Division (NBI-IPRD) ang 13,412 canisters ng pekeng Bao Li Lai aerosol insecticides at 3,042 canisters ng pekeng Big Bie Lai aerosol na nagkakahalaga ng P1,972,320 sa EveryJuan shop sa Valenzuela City at mga kaugnay na warehouses sa Tondo, Manila..

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, nag-ugat ang operasyon sa reklamo ang mga rehistradong may-ari ng mga trademark hinggil sa talamak na pagbebenta ng kanilang mga produkto sa merkado.

Nagsagawa ng surveillance at test-buy operations ang mga NBI agents at ipinatupad ang search warrants kaya na-raid ang mga warehouses na nagresulta sa pagkakasamsam ng mga pekeng insecticides.

Isasampa ang mga kaso laban sa may-ari ng establisyimento para sa paglabag sa Section 155 kaugnay sa Section 170 (Trademark Infringement) ng RA 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines…

Pinuri ni Director Santiago ang mga ahente ng NBI-IPRD.