LTO

LTO sinuspinde lisensiya ng driver dahil sa reverse light

Jun I Legaspi Oct 6, 2025
182 Views

SINUSPINDE ng 90-araw ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng driver ng sasakyang nakunan ng video na may blinking o flashing reverse light sa Makati City.

Ito’y kasunod ng utos ng Pangulo sa Department of Transportation (DOTr) na panagutin ang mga driver na lumalabag sa mga batas trapiko.

Binigyang-diin naman ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez na hindi titigil ang DOTr sa pagsuspinde sa lisensya ng mga pasaway na driver.

Ang nasabing video ay nag viral at maraming netizen ang pumuna at nagreklamo sa nasabing viral na video.

Nagpasalamat naman ang publiko at mga netizen sa mabilis na aksyon ng LTO.