ALPAS

ALPAS nakuha 5 pagkilala sa 21st Philippine Quill Awards

Edd Reyes Sep 2, 2025
176 Views

NAKOPO ng public relations at public affairs consultancy firm na ALPAS ang parangal sa ginanap na 21st Philippine Quill Awards para sa kahusayan sa business communication sa Manila Hotel.

Nakuha ng ahensya ang limang pagkilala, kabilang ang Excellence Award at isang Top Division Award, sa kanilang unang pagsali sa prestihiyosong parangal na inorganisa ng International Association of Business Communication (IABC) Philippines na isang prestihiyosong plataporma na kumikilala sa mga programang gumagamit ng kreatibidad at estratehiya upang makamit ang makabuluhang epekto at nasusukat na resulta.

Nakamit ng ALPAS ang Top Division at Excellence Award sa ilalim ng Communication Training and Education division para sa kanilang programang “The Struggle Is Real: Crisis at Merit Award sa ilalim ng Communication Skills Division for Corporate Writing para sa kanilang makabagong TALAKAYAN Series.

Nakakuha ng isa pang Merit Award ang “Health Connect Forum” para sa Sanofi Vaccines Philippines at wag rin sila ng Merit Award para sa Social Media Programs category sa ilalim ng Communication Skills division para sa kanilang digital-led pediatric vaccination campaign na “Batang Bakunado, Todong Protektado!” para sa Department of Health (DOH), katuwang ang United States Agency for International.

Ang tagumpay ng ALPAS sa Philippine Quill ay kasunod ng kanilang panalo sa Golden Standard Awards sa Singapore, kung saan nakakuha sila ng dalawang parangal para sa Public Service Campaign at NGO Engagement.