Calendar
Himas rehas ang suspek na lolo dahil sa kasong paglabag sa Artikulo 282 (Grave Threat) ng RPC at RA 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunition). JONJON C. REYES
AMA,70, PINAPULIS NG SARILING ANAK SA PANANAKOT
Nahaharap sa kasong paglabag sa Artikulo 282 (Grave Threat) ng RPC at RA 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunition) ang isang 70-anyos na lolo matapos ireklamo ng kanyang anak dahil umano sa pananakot gamit ang pekeng baril sa Sta. Ana, Manila.
Ang suspek ay naaresto ng mga operatiba ng Sta Ana Police Station.6 sa Alley 2, Lamayan St., Brgy. 887, Sta. Ana, Manila, Sabado ng umaga.
Kinilala ang lolo na si alyas Ricardo,70, may asawa, at naninirahan sa Lamayan St., kanto ng Road 3 St., Brgy. 887, Sta. Ana, Manila.
Ayon sa report ng pulisya, bandang 7:20 ng umaga nang nakatanggap sila ng text message sa anak ng suspek na si alyas Jerico. Humihingi umano ito ng tulong sa pulisya dahil sa kanyang ama.
Agad na nagtungo sa lugar sina PMSg Josue A. Ledesma Jr. at Pat. John Vincent Taquiqui, mga tauhan ng Punta PCP-Sta Ana Police Station 6.
Kinausap ng mga otoridad Si Jerico at sumama sila rito patungo sa Barangay Hall ng 887, Sta. Ana, Manila, kung saan naitala ang insidente sa blotter.
Pagkatapos nito, sinamahan ng mga pulis ang complainant pauwi sa kanyang bahay, kung saan naroon ang kanyang ama at sumisigaw umano ng “PAG PINAPASOK NYO YAN, PAPATAYIN KO YAN.”
Hawak umano ng suspek ang isang bagay na noo’y pinaghihinalaang baril. Agad na namagitan ang mga rumespondeng tauhan at inaresto ang suspek.
Narekober mula sa suspek ang isang pekeng baril na uri ng Glock (pellet gun) na may markang JAL, at isang nakasalpak na magazine na may markang JAL-1.
Matapos maaresto, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatang konstitusyonal sa ilalim ng Republic Act 7438 sa Tagalog na wikang kanyang nauunawaan niya.
Pinili ng suspek na manahimik.
Dinala amg sa pinakamalapit na ospital para sa pagsusuring pisikal at medikal, bago itinurn over sa Sta. Ana Police Station (PS-6) para sa tamang dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang mga kaso.
Inihahanda na ang reklamo laban sa suspek para sa paglabag sa Article 282 (Grave Threat) at RA 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunition), at ito ay isasangguni sa Manila City Prosecutors Office para sa inquest proceedings.

