Calendar
ARAULLO HS PINAGBANTAAN NG STABBING, SHOOTING SPREE
Seguridad sa Araullo HS hinigpitan dahil sa banta ng karahasan
NAGLATAG ng security measures sa mga mag-aaral sa Araullo High School sa United Nations Avenue corner Taft Avenue, Maynila noong Lunes ang mga pulis matapos may kumalat na mga mensahe ng pagbabanta ng karahasan sa mga mag-aaral.
Nagbigay ng pahayag ang tagapagsalita ng MPD na si Police Major Philipp Ines base sa utos ni MPD Director PBGen. Arnold Santiago kaugnay sa natangap na pagbabanta ng karahasan.
“Bago pa mangyari ang mga ganyan ay may mga nagawa na tayong initial actions na ginagawa na mga pro-active strategy katulad ng chat group mula sa mga school administrator, mga principal kabilang ang mga station commander na nakakasakop sa area sa bawat eskwelahan para mabilis ang communications at syempre seperate ang chat group ng mga patrollers, security at maging mga force multipliers ng mga eskwelhan,” sabi ni Ines.
“Ngayon nakatanggap tayo ng mga ganitong threats sa mga eskwelahan using nga sa mga ganitong online kung saan naereport na natin ito sa MPD Hotline Cybercrime unit at ito ay babala sa mga taong gumagawa na kayo ay may mga pananagutan sa batas,” dagdag ni Ines.
Kasalukuyang nakikipag ugnayan ang paaralan sa mga pulis pero bantay-sarado ang paaralan ng mga watchmen mula sa Schools Division Office ng Maynila.
May mga naka-deploy ding pulis sa labas ng paaralan. Hindi rin nagsuspinde ng klase ang paaralan.
Naging alerto ang mga pulis ng MPD Ermita Police Station 5, sa ilalim ni Police Lt. Col. June Paolo Abrazado, kasama ang mga brgy. officials at mga tanod.
Iniimbistigahan ang nasabing pagbabanta kung saan meron na silang posibleng suspek na hindi pa pwedeng ilabas sa publiko.

