Sara

Au Deputy PM Marles nag- courtesy call kay VP Sara

120 Views

NAG-COURTESY call kay Vice President Sara Duterte si Australian Deputy Prime Minister Richard Marles.

Ipinaabot ni Duterte kay Marles ang pasasalamat ng Pilipinas sa gobyerno ng Australia sa pagbibigay ng pagsasanay sa mga estudyanteng Dabawenyo noong siya ay alkalde pa ng Davao City.

Tinalakay din ni Deputy Prime Minister Marles, na siya ring Minister of Defense, ang kahalagahan ng seguridad sa pambansang kaunlaran.

Ikinuwento ni Duterte ang kanyang naging karanasan noong alkalde pa at ang kanyang pagbibigay ng prayoridad sa seguridad na siyang pangunahing problema ng Mindanao noon.

Sa ilalim ng pamamahala ni Duterte sa Davao City government ay nasimulan ang Peace 911, isang anti-terrorism plan na naging susi sa pagbuwag sa rebeldeng grupo sa Paquibato District ng lungsod.

“My learning is that gaining peace was relatively easy, sustaining the peace is difficult,” sabi ni Duterte.

Si Duterte ay bahagi ng Reserve Command ng Philippine Army at may ranggong colonel.