DFA

Authentication service sa consular office sa SM Megamall tigil muna

173 Views

PANSAMANTALANG itinigil ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang authentication service ng consular office (CO) nito sa NCR East na matatagpuan sa SM Megamall sa Mandaluyong City.

Ayon sa DFA maglalabas ito ng isa pang anunsyo kung magbabalik na ang naturang serbisyo.

Ang mga aplikante na mayroon umanong appointment mula Agosto 22 hanggang Setyembre 30 sa NCR East ay maaaring pumunta sa DFA Aseana sa Parañaque City mula alas-8 ng umaga hanggang 4 ng hapon.

Sa mga may katanungan maaari umanong makipag-ugnayan sa DFA sa pamamagitan ng pag-email sa [email protected].