NHA

Award ipinagmalaki ng school

Jun I Legaspi Sep 25, 2025
306 Views

IPINAGMAMALAKI ng National Housing Authority (NHA) ang pagkilala ng Philippine Commission on Women (PCW) sa kanilang pagsisikap na isulong ang pagkakapantay-pantay ng kasarian at kapangyarihan ng kababaihan.

Sa taunang pagsusuri ng PCW sa paggamit ng GAD Budget, kabilang ang NHA sa mga nangungunang Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs) sa iba’t-ibang kategorya, kabilang ang mga sumusunod:

• Ika-4 na pwesto: GOCC na may Pinakamataas na Attributed GAD Allocation
• Ika-6 na pwesto: GOCC na may Pinakamataas na Organization-Focused GAD Budget Allocation
• Ika-4 na pwesto: GOCC na may Pinakamataas na Kabuuang GAD Budget Allocation
• Ika-3 na pwesto: GOCC na may Pinakamataas na Kabuuang GAD Budget Expenditure
• Ika-3 na pwesto: GOCC na may Pinakamataas na Organization-Focused GAD Budget Expenditure

Ang pagkilalang ito ay patunay ng patuloy na dedikasyon ng NHA na isama ang pananaw ng lahat ng mga programa, polisiya, at serbisyo nito–lalo na sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga proyekto sa pabahay at resettlement.

“Lubos naming ikinararangal ang pagkilalang ito mula sa PCW,” ani ni NHA General Manager Joeben Tai.

“Isang hamon at biyaya ang gantimpalang ito upang lalo pa naming paigtingin ang mga programang nakatuon sa pagkakapantay-pantay ng kasarian sa buong ahensya,” dagdag ng opisyal.

Ipagpapatuloy ng NHA ang pagsisikap na maging modelo ng gender-responsive governance sa ilalim ng mga alituntunin ng Republic Act No. 12216 at Section 24 ng Magna Carta of Women (RA 9710) na nagtatakda ng mga serbisyong pabahay na accessible, ligtas, at inklusibo para sa kababaihan at iba pang marginalized na sektor.

Ang pagkilalang ito ay nagsisilbing inspirasyon at hamon upang patuloy na paigtingin ng NHA ang mga inisyatibo para sa gender equality at inclusivity sa sektor ng pabahay sa mga susunod pang mga taon.