DA

Bagong chiller sa DIA gumagana na

Jun I Legaspi Jan 16, 2026
134 Views

NAKAPAG-install na ng additional chiller ang Department of Transportation (DOTr) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa arrival area ng Davao International Airport (DIA) para sa mas maginhawang biyahe ng mga pasahero.

Matatandaang nagtungo noong Oktubre 2025 si DOTr Secretary Giovanni Lopez sa DIA para mag-inspeksyon at ipinag-utos na dagdagan ang chiller sa airport matapos mapansin ang init sa paliparan.

Ayon kay Sec. Lopez, dapat ay laging may naka-antabay na reserbang chillers para sakaling masira ang isa may iba pang chiller na magagamit.

Ito’y bilang tugon sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking may maayos na pasilidad ang mga paliparan sa bansa.

Ayon kay Secretary Lopez, tatlong bagong malalaking chillers ang inilaan sa Davao International Airport bilang bahagi ng patuloy na expansion at rehabilitation ng passenger terminal building nito.

“Malaking tulong itong tatlong bagong chiller sa air conditioning capacity ng Davao International Airport.

At nais din nating pagandahin ang iba pang mga paliparan sa bansa,” ani Secretary Lopez.