Calendar
Arestado ng mga operatiba ng Pandacan Police sa pamumuno ni Police Lt.Stephen Serrano ang Akyat Bahay na suspek. JONJON C. REYES
Bahay ng ex-judge sa Pandacan nilooban, suspek natukoy dahil sa naiwang tsinelas
NATIMBOG sa isinagawang follow-up operation ng mga operatiba ng Pandacan Police Station10 ang isang 23- anyos Akyat Bahay suspek na nilooban umano ang bahay ng retired judge sa A. Menandro St., Brgy. 864 Zone, 94 Pandacan, Manila, Lunes ng gabi..
Dahil sa naiwanan nitong tsenelas sa kanyang pagtakas nakilala ang suspek na si alyas Siopao,23, binata, at residente sa Kahilum 2 Brgy. 868 Zone 95 Pandacan.
Rumesponde sa insidente ang mga kapulisan sa pamumuno ni PLt. Stephen Serrano, Ivan Ray Lopez at iba pang tauhan ng Beata PCP PS-10 MPD.
Ayon sa pahayag ng apo ng huwes na si alyas Rica, napansin niya ang suspek na nakapasok na pilit binubuksan ang kanilang bintana sa kuwarto.
Nagtago sa banyo ang nasabing apo at humingi ng tulong sa kanilang family group chat.
Agad humingi ng tulong ang mga kaanak ng biktima sa Pandacan Police Station PS-10 at Manila Police District (MPD) na nakipag-ugnayan kay Barangay Chairman Jose Pascual III ng Barangay 846, Zone 94.
Dinala ng mga rumespondeng pulis ang saksi sa University of Santo Tomas (UST) Hospital upang mabigyan ng agarang atensyong medikal at angkop na lunas,matapos itong mahirapang huminga.
Samantala, natukoy ang suspek sa naiwan niyang tsinelas matapos magsagawa ang pulisya ng follow-up operations at pagsusuri sa mga CCTV footage mula sa mga katabing barangay.
Nabawi mula sa suspek ang ninakaw na .38 SWSN revolver na pag aari ng biktima. Nahaharap ito sa kasong robbery.

