Otoko waley balak, girlalu hopya sa dream wedding
Nov 28, 2026
Mga iskolar ng SM lisensiyadong inhinyero na ngayon
Nov 28, 2026
Bea, 2nd runner-up sa Best NatCos ng Miss Universe
Nov 28, 2026
Calendar
Metro
Karatula sa Makati binaklas, 2 suspek bgiong makatakas
Edd Reyes
Sep 16, 2026
220
Views
TIMBOG ang dalawang lalaki na nahuli sa aktong ninenenok ang parte ng signboard noong Miyerkules sa Makati City.
Nabuko ang pagnanakaw nina alyas Jeslie, 28; at Jave, 26, nang marinig ng mga security guards sa Buendia Avenue, Brgy. Bel Air ang ingay dahil sa pagbaklas sa karatula dakong alas-3:40 ng umaga.
Nang lumabas sila sa gusali, nakita ang dalawa na binabaklas ang mamahaling karatula kaya dinala ang mga suspek sa Poblacion Police Sub-Station-6 para sa paghahain ng kasong pagnanakaw.
Nakumpiska sa dalawa ang iba’t-ibang binaklas na bakal na nagkakahalaga ng P123,00.
Pinuri ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Rodel Pastor ang mga pulis.
Bus na nag-counterflow sa QC inisyuhan ng SCO
Nov 27, 2026
