Sunog

Bahay sa Sta. Mesa nasunog

Jon-jon Reyes Nov 22, 2026
95 Views

NASUNOG ang ikalawang palapag ng bahay sa Road 13, NDC Compound, Barangay 628, Sta. Mesa, Manila noong Sabado at umabot sa ikatlong alarma bago naapula ang apoy.

Ang nasunog na tahanan ay pag aari ng isang alyas Zoe at Vilma, ang nangungupahan sa NDC Compound sa Sta. Mesa, Manila.

Ayon sa report, bandang alas-4:30 ng hapon ng matanggap ang tawag mula kay PCpl. John Rey Arangote hinggil sa sunog.

Nagpadala ng mga pulis mula sa Plaza Avelino PCP sa pamumuno ni PLt. Jobert Patrimonio at PSSg Francis Conwi upang beripikahin ang ulat ng sunog

Tumugon din sina PLt. Patrimonio kasama ang mga imbestigador ng sunog na si FO2 Meres mula sa Bureau of Fire Protection..

Nadamay sa sunog ay ang tinitirhan ni alyas Mae na pag-aari ni Daisy.

Hindi pa matukoy ang sanhi ng sunog na idineklara ang first alarm ni SFO3 Pasahol at itinaas sa second alarm ni FInsp. Chua.

Bandang alas-5:01 ng hapon, umakyat sa third alarm ang sunog na idineklara ni FSupt. Romie Tungpalan.

Kontrolado na ang apoy alas-7:54 ng gabi. Sa ulat ng arson investigator na si F03 Dalumpines, humigit-kumulang 250 pamilya na binubuo ng 1,200 indibidwal ang naapektuhan ng insidente.

Ganap na 10:09 ng gabi, idineklarang naapula na ng tuluyan ang apoy.

Tinatayang nasa P500,000.00 ang pinsala sa mga apektadong ari-arian.