Rider SOURCE: Larawan mula sa FB/DTEU QCPD

MOTORISTA NA NAPARA DAHIL SA PAGSUSUOT NG TSINELAS, TIMBOG SA 3 GRAMO NG MARIJUANA

86 Views

NAUWI sa pagkakaaresto ang isang lalaking motorista matapos masita dahil sa pagsusuot ng tsinelas habang nagmamaneho at makuhanan umano ng marijuana sa Payatas, Quezon City, nitong Nobyembre 22, 2026.

Bandang alas-2 ng hapon nang sitahin ng mga tauhan ng District Traffic Enforcement Unit (DTEU) ang rider sa Ilang-Ilang Street, Barangay Payatas, bilang bahagi ng kanilang Oplan-Sita.

Habang hinihingi ang mga dokumento ng motorsiklo, binuksan ng motorista ang compartment nito at dito napansin nina PMSg Tupaz at PMSg Velasco ang isang kahina-hinalang sachet.

Agad silang humingi ng tulong sa mga tauhan ng Payatas-Bagong Silangan Police Station 13 (PS13), na rumesponde sa lugar. Nang suriin ang laman ng sachet, nakumpirmang marijuana ito na may tinatayang timbang na tatlong gramo at halagang ₱4,500.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng PS13 ang suspek at posibleng maharap sa kasong paglabag sa Section 21, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.