Shabu Kinilala ni MPD Chief PBGen. Arnold Santiago ang mga suspek sa kalakalan ng iligal na droga matapos matimbog sa buy-bust sa Sampaloc, Manila.

P374,000 sh*b* nakumpiska sa babae, lalaki sa Sampaloc

Jon-jon Reyes Nov 23, 2026
81 Views

ARESTADO ng mga operatiba ng Station Drugs Enforcement Unit ng MPD Sampaloc Police Station 4 ang isang lalaki at babae sa buy-bust at nasabat ang mahigit P374,000 na halaga ng shabu sa Dos Castillas St., Brgy. 456, Zone 45, Sampaloc, Manila noong Sabado.

Nakilala ang mga suspek na sina alyas Edna, 33; at Joseph, 32, miyembro ng Bahala na Gang, at residente ng Dos Castillas St. Sampaloc, Manila.

Ayon sa report, bandang alas-9:45 ng gabi ng magsagawa ng buy-bust sina PCpt. Renmar Clifford Raval, chief ng SDEU, sa pangangasiwa ni PLt. Col. R A Guardaya.

Nagresulta ito sa pag-aresto sa mga suspek at sa pagkakasamsam ng limang sachets na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na may bigat na 55 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P374,000.

Ipinaalam sa mga suspek ang kanilang mga karapatang konstitusyonal ngunit pinili nilang manahimik.

Ang mga nakumpiskang ilegal na droga ay ipapadala sa Manila Police District Forensic Unit (MPDFU) para sa pagsusuri sa laboratoryo.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 laban sa dalawa na isusumite sa City Prosecutor’s Office para sa inquest proceedings.