Tsuper

Tsuper pinitik pitaka ng kapwa driver, huli

Edd Reyes Nov 23, 2026
108 Views

ARESTADO ang 51-anyos na tsuper nang nenokin umano ang wallet ng kapuwa driver noong Sabado ng gabi sa Valenzuela City.

Natutulog sa loob ng ipinapasadang jeepney na nakaparada sa Karuhatan Road ang 42-anyos na biktima nang palihim na dukutin umano ng suspek ang kanyang wallet na naglalaman ng P150 dakong alas-10:15 ng gabi.

Nagising ang biktima kayat hinabol niya ang suspek na nagtatakbo patungong Karuhatan Public Market kung saan siya tuluyang nakorner.

Inalerto naman ng concerned citizen ang mga nagpapatrulyang tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station-9 na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nabawi sa suspek ang ninenok na wallet at nang kapkapan, nadiskubre ang kalibre .38 paltik na revolver na kargado ng isang bala na nakasukbit sa kanyang baywang.

Mahaharap sa kasong pagnanakaw at paglabag sa R.A. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.