Calendar
Provincial
Bangkay ng lalaki nakita sa loob ng abandonadong SUV sa General Tinio
Steve A. Gosuico
Jun 19, 2026
322
Views

GENERAL TINIO, Nueva Ecija – Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa loob ng isang abandonadong Sports Utility Vehicle (SUV) dito nitong Miyerkules ng hapon.
Duguan umano ang nasabing biktima na hanggang sa kasalukuyan ay inaalam pa ang pagkakakilanlan, ayon sa pulisya.
Ang nasabing SUV, na isang Ford Titanium Everest ayon kay police chief Major Shariel C. Paulino, ay napansin na ng mga residente na nakaparada sa Bgy. Pias nitong Lunes.
Sa video sa Facebook post ni Angelyn Alfonso Reyes, makikita na maraming residente ang nakamasid sa gilid ng kalsada nuong gabi habang nakapaikot ang kapulisan sa SUV nang ito ay buksan upang siyasatin ang loob nito.
P341K na shabu nasamsam sa San Jose del Monte
Nov 3, 2026
6,000 kriminal lagas sa CALABARZON
Nov 3, 2026
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026

