DA

Bataan dineklara ng DA bilang Organic Farming Practitioner Province

Cory Martinez Oct 18, 2025
286 Views

DA1OPISYAL na idineklara ng Department of Agriculture (DA) ang Batanes bilang “Organic Farming Practitioner Province,” na layuning magpapaganda sa lokal na mga hanapbuhay at italaga ang probinsiya bilang nangungunang agro-tourism destination.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. pormal na kilalanin ang Batanes bilang “organic by default.’

Nanatiling hindi nadapuan ng synthetic chemicals ang 13,208.90 na ektarya ng lupang sakahan ng Batanes – na sumasaklaw sa mga pananim at mga alagang hayop dahil sa kanyang geographic isolation at matagal ng tradisyon sa pagsasaka.

Eksklusibong nakatuon sa organic agriculture ang 4,126 na mga magsasaka at 35 kooperatiba ng probinsiya na sinusuportahan ng mga lokal na ordinansa at mga lehislasyon ng lalawigan alinsunod sa Republic Act no. 10068 o ang Organic Agriculture Act of 2010.

” Ang titulong ito ay patunay ng pangako ng Batanes para sa likas-kayang pagsasaka na nagsisiguro para sa seguridad sa pagkain, protektahan ang kapaligiran at palakasin ang mga komunidad,” ani Tiu Laurel.

Idinagdag nito na ang pagkilala ay nagbigay-daan para sa taasan ang technical, financial at market support para sa lalawigan.

Lahat ng anim na munisipalidad – Basco, Uyugan, Sabtang, Ivana, Itbayat,at Mahatao – ay nagpasa ng mga ordinansa na gawing institusyon ang organic farming . Iba’t ibang mga programa at demonstration farms tulad ng Naidi Multi-Commodity Project at ang Tukon Agro- Tourism Site ang nagsulong ng natural na paraan ng pagsasaka at community-based na food production.

Ang mga Batanes organic crops tulad ng luya, kamote, sibuyas at karne ng baka – ay hindi lamang susi para sa lokal na pagkain kundi nakakakuha na ito ng market value sa labas ng probinsiya.

Ang premium na presyo at tumataas na demand ay nakakapanghikayat para sa partisipasyon ng mas maraming magsasaka.

Sa pamamagitan ng organic na ani bilang driving force, isinasama na ng Batanes ang agrikultura sa turismo.

Ang mga proyekto tulad ng Batanes Resort Agro-Tourism Site ay nakakaakit ng mga bisitang interesado sa eco-friendly na mga kasanayan sa pagsasaka at kulturang Ivatan.

Sa pamamagitan ng deklarasyon ito, palalakasin ng DA ang suporta sa probinsiyang tulad ng Batanes na isang halimbawa sa layunin ng likas-kayang agrikultura – at titiyak sa pangmatagalang kaligtasan sa pagkain, ecological balance at pag-unlad ng kanayunan.