VFS

Bataan may tanggapan na ng VFS

Christian Supnad Jan 15, 2026
226 Views

THE BUNKER, Bataan–Pinasinayaan noong Huwebes ang Visa Facilitation Services (VFS GLOBAL) sa lugar na ito na dinaluhan ni Bataan Gov. Joet Garcia.

“Magandang balita po sa ating mga kababayan na mangangailangan ng serbisyo ng VFS Global para sa visa application dahil mayroon na po silang tanggapan sa The Bunker para sa mga piling araw o itatakdang batch schedule,” sabi ni Gov. Garcia.

Bahagi ng pagbubukas ng tanggapan na gawing one-stop shop ang The Bunker kung saan magkakasama ang mga tanggapan ng pamahalaan para sa mas mabilis at madaling transaksyon.

“Malaking tulong po ito sa pagpapadali ng mga transaksyon lalo na pagdating sa paglalakbay at turismo,” sabi ng gobernador.

Matatagpuan ito sa ikatlong palapag ng The Bunker ang tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa passport application at renewal.

“Sa mga nagnanais magpasa ng visa application sa VFS Global, gayundin ang iba pang detalye ukol sa proseso at schedule, mangyaring hintayin lamang ang kaukulang anunsyo mula sa 1BOSSCO dahil ang lahat ng aplikasyon ay isinasagawa online,” sabi ni Garcia.