Bataan Sina Gov. Joet S. Garcia, ikaapat sa kaliwa, kasama ang mga taga AxiomSpace at Astronaut Atienza,gitna, Dr. Ruby Matibag, ikatlo sa kaliwa, Reynan Calderon, ikalawa sa kanan.- CHRISTIAN D SUPNAD

Bataeńo kauna-unahang Pilipino na dadalhin PH flag sa labas ng mundo?

Christian Supnad Apr 24, 2026
29 Views

Bataan1Bataan2Bataan3Bataan4THE BUNKER, Bataan– Malaki ang posibilidad na isang taga-Bataan ang kauna-unahang makakarating at magdadala ng watawat ng Pilipinas sa kalawakan.

Ang balitang ito ay kasunod ng pakikipagpulong ng mga kinatawan ng Axiom Space kay Gov. Joet S. Garcia noong Miyerkules kasama si Kristine Jane Atienza, isang analog astronaut na tubong Bataan, na maaaring maging kauna-unahang Pilipinang makararating sa kalawakan.

Noong ika-22 ng Abril, nakapulong si Gov. Garcia sa mga kinatawan ng Axiom Space, isang kumpanyang nagde-develop ng imprastruktura para sa kalawakan.

Kasama sa pulong si Kristine Jane Atienza, isang analog astronaut na tubong Bataan, na maaaring maging kauna-unahang Pilipinang makararating sa kalawakan.

Ang analog astronaut “is a researcher who performs simulated space missions in Earth-based environments that mimic extraterrestrial conditions, such as Mars or the Moon.”

Sa pulong, tinalakay nina Gov. Garcia, kabilang sina John Echauz, isang negosyanteng nagsusulong ng self-sufficiency sa bansa, at Dr. Ruby Matibag, Presidente ng Bataan Peninsula State University (BPSU), Reynan Calderon, Vice president ng BPSU.

Nakibahagi naman nang virtual meeting sina Dr. Koichi Wakata, isang astronaut at Chief Technology Officer, at Pearly Pandya, Director para sa Asia Region ng Axiom Space.

Inihayag ni Gov. Garcia na pinag usapan nila ang mga susunod na hakbang upang maisulong ang misyong ito, kabilang ang masusing paghahanda, pagsasanay, at koordinasyon ng iba’t ibang sektor.

Kung maisasakatuparan ang misyong ito, anang governador, dadalhin ni Atienza ang watawat ng Pilipinas sa International Space Station—isang makasaysayang simbolo ng ating pagkakakilanlan bilang bansa sa larangan ng space exploration.

“Ang adhikaing ito ay hindi lamang tungkol sa pag-abot sa kalawakan, kundi sa pagbubukas ng mas malawak na oportunidad para sa agham, teknolohiya, at edukasyon sa bansa. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa bawat kabataang Pilipino na mangarap nang mas mataas at abutin ang mga pangarap na tila dati’y imposible,” dagdsg pa ni Gov. Garcia.