BBM Nagpasalamat si UniTeam presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa mga supporters na di natinag sa malakas na ulan at dumalo pa rin sa kanyang proclamation rally sa South Cotabato Sports Complex sa Koronadal City. Hinagisan pa si Marcos ng mga supporters bilang pagpapakita ng pagmamahal sa kanya. Kuha ni VER NOVENO

BBM-Sara supporters hindi natinag ng ulan

213 Views

HINDI natinag ng ulan ang mga suporter nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential aspirant Sara Duterte na matiyagang naghintay sa South Cotabato Sports Complex sa Koronadal, South Cotabato.

Hindi rin nakaligtas sa ulan sina Marcos, Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte, mga senatorial candidate ng UniTeam at mga lokal na opisyal.

Si VM Duterte ang kumatawan sa kanyang kapatid na si Mayor Duterte. Nagpasalamat ito sa mga dumalo at hiniling na tulungan ang mga kandidato ng UniTeam gaya ng kanilang pagtulong sa kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

“Si President Rodrigo Roa Duterte, tinulungan niyo, sinuportahan niyo, ginawa nyong presidente, kaming pamilya Duterte, maraming, maraming salamat sa tulong na pinakita niyo, thank you talaga, thank you so much. Ngayong tumatakbo ‘yung kapatid ko, si Mayor Inday Sara Duterte, sana naman ‘yung pinakita nyo na tulong at pagmahal at pagdepensa ipakita niyo rin sa kapatid ko, please lang, thank you, thank you so much. And of course kung sinuportahan niyo ang tatay ko, sana suportahan niyo na rin ang presidente ng kapatid ko, na si Bongbong Marcos,” sabi ni VM Duterte.

Sinabi ni VM Duterte na sina Marcos at Mayor Duterte ang “para sa inyo, para sa Pilipino, para sa mahirap, para sa gidaug-daug (inaapi-api).”

“Alam niyo mahal na mahal kayo sa pamilya Duterte, mahal na mahal kayo sa pamilya Marcos, ‘wag niyong hiwa-hiwalayin ‘yung mga senador natin, vote straight UniTeam mga Koronadal! Thank you, salamat gyud kaayo sa inyong tanan,” dagdag pa ni VM Duterte.