Baste

Pag-endorso ni Pangulong Duterte kay BBM asam ni Baste

126 Views

NAIS ni Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte na iendorso ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte ang presidential aspirant na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay VM Duterte nakakakita ito ng mga senyales na nagsasabi na ieendorso ng Pangulo si Marcos, na running mate ng kanyang ate na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Isa sa mga senyales na nakikita ng bise alkalde ay ang pag-endorso ng PDP-Laban Cusi faction kay Marcos kamakailan. Ang PDP-Laban ay partido ni Pangulong Duterte.

“Hindi pa natin alam kung i-eendorse, but there are signs na. Nakita na natin PDP-Laban, nag-release na ng statement na they’re supporting BBM so I hope the President will express his support to BBM,” sabi ni VM Duterte.

Aminado naman si VM Duterte na mas gusto nito na iendorso ng ama si Marcos, na running mate ng kanyang kapatid.