Calendar
Metro
Bebot tinaniman ng bala sa ulo, dedo
Edd Reyes
Aug 29, 2026
143
Views
DEDO ang hindi pa kilalang bebot nang malapitang barilin sa ulo ng isang armadong suspek Biyernes ng gabi sa Navotas City.
Naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Leongson St. Brgy. San Roque dakong alas-11:10 ng gabi nang lapitan ng suspek na nakilala sa alyas “Kadyo” at pinaputukan ng isa sa ulo na naging sanhi ng agarang kamatayan.
Sinabi ni Northern Police District (NPD) P/BGen. Benliner Capili na iniutos na niya kay Navotas police chief P/Col. Renante Pinuela ang pagtugis sa suspek na nakasuot ng itim na sando at basketball shorts na nakilala ng isang testigo.
Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa biktima na dayo lang sa lugar at ang motibo sa pamamaslang.
MPD nasakip Tsinong turista mula Ativan Gang
Nov 4, 2026
6-ANYOS NAGULUNGAN NG SUV SA PORT AREA, DEDO
Nov 4, 2026
Dahil sa pagnanakaw, lalaki nasakote
Nov 3, 2026

