Calendar
BFP sinagip lola na nadulas, natusok ng bakal sa mukha
SUGATAN ang isang senior citizen matapos matusok sa mukha ng bakal nang madulas habang nangunguha ng malunggay sa Quezon City.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) makapigil-hininga ang naging rescue operation sa 60 taong gulang na babae sa Bgy San Agustin Novaliches Quezon City nitong Martes.
Umabot ng halos 30 minuto bago naialis ang biktima sa bakod.
Gumamit pa ng hydraulic cutter ang special rescue force ng QC fire district para maputol ang bakal.
Agad siyang dinala sa ospital matapos matibag ang bakal at sumailalim sa operasyon para matanggal ang nakatusok na bakal sa kaniyang mukha.
Ayon kay SFO2 Richard Andrew Roces, team leader QCFD Special Rescue Force, pumasok ang bakal sa baba ng biktima at lumabas sa bunganga niya.
Masuwerte naman ang biktima at walang natamaan na vital organ.
Sa impormasyon ng BFP nangyari ang insidente ilang metro lang ang layo sa bahay ng biktima.
Ang plant box ay pag aari ng kapitbahay.
Kumukuha umano ng malunggay ang biktima ng biglang mahilo, at nadulas sa gilid ng plant box at natusok sa bakal na gate.

