Calendar
Bicol Saro nanatiling buo ang suporta sa liderato ni Speaker Romualdez
NANANATILI ang buong suporta ng Bicol Saro Partylist kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at sa kanyang “inclusive and action-oriented” na uri ng pamumuno na nagbigay daan upang agad na maipasa ng Kamara de Representantes ang lahat ng kinakailangang batas ng Marcos Jr. administration.
Pinasalamatan ng Bicol Saro Partylist, na kinakatawan ni Rep. Brian Raymund Yamsuan si Speaker Romualdez sa pagiging inspirasyon nito sa Kamara upang matulungan ang administrasyong Marcos na makalikha ng pangmatagalang pag-unlad at kasaganaan para sa mga Pilipino.
“Speaker Romualdez has demonstrated how inclusive and action-oriented leadership, along with a high degree of professionalism, can result in record accomplishments for the House of the People,” sabi ni Yamsuan, na ang partylist group kumakatawan sa rehiyon ng Bicol.
“Under his stewardship, the House was able to attain 100 percent approval of the bills under the Common Legislative Agenda of the 19th Congress way ahead of schedule. He was able to accomplish this remarkable feat without sidelining anyone. He listened and valued the inputs of every lawmaker—from district to partylist representatives, or whether he or she belongs to the majority of minority. _Pinakinggan ‘nya ang lahat ng panig at nirespeto ang kanilang mga inputs at opinyon, kaya naman umani rin siya ng mataas na respeto mula sa bawat mambabatas,” dagdag ni Yamsuan
Ayon kay Yamsuan bago mag-adjourn ang sesyon ng Kongreso noong nakaraang buwan, naipasa na ng Kamara ang lahat ng 20 panukala na prayoridad na maisabatas ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC), mas maaga ng tatlong buwan sa napag-usapang deadline na hanggang Disyembre 2023.
Kabilang sa naaprubahan ng Kamara ang panukalang P5.768-trilyon budget ng gobyerno para sa 2024 at ang Trabaho Para sa Bayan Act.
Nilagdaan na ni Pangulong Marcos upang maging batas ang Trabaho Para sa Bayan Act na layong tugunan ang kawalan ng trabaho at underemployment sa bansa sa pamamagitan ng upskilling o pagbibigay ng dagdag na kasabayan sa mga manggagawang Pilipino at pagbibigay suporta sa micro, small and medium enterprises (MSMEs).
Kasama rin sa prayoridad ng LEDAC ang panukala para sa pagreporma sa pagbubuwis, mas matibay na batas laban sa smuggling at online fraud at ang Philippine Salt Industry Development Act kung saan isa sa mga may-akda si Yamsuan at iba pang Bicolano representatives sa pangunguna ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte.
Maliban pa sa mga priority measure na ito, isinusulong din ni Yamsuan ang mga local bills na makatutulong sa pag-unlad ng Bicol Region.
Kasama rito ang pagtatatag ng satellite multi-species marine hatcheries, pagdeklara sa ilang lugar sa Bicol bilang ecotourism destinations, at pagtatayo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Training and Assessment Centers sa rehiyon.
Ayon kay Yamsuan, ang mga local bills na ito ay unang hakbang para sa paglikha ng dagdag na trabaho at hanapbuhay sa Bicol Region. ###