Magsasaka, ‘nag-sideline’ sa droga, boga
Oct 30, 2026
Calendar
Provincial
Biktima ng bagyong Opong sa Calapan nakatanggap ng tulong
Helen D. Prado
Oct 27, 2025
545
Views
NASA 582 indibidwal ang napabilang bilang benepisyaryo ng Emergency Cash Transfer ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pamamagitan ng CSWD, sa pamamahala ni Madam Juvy Bahia RSW.
Nasa mahigit kumulang sa P3.1M ang kabuuang halaga noong Ika-23 ng Oktubre ng naipamahagi ng Pamahalaang Lungsod sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng bagyong Opong.
Ayon kay Calapan City Mayor Doy C. Leachon, ang halagang kanilang natanggap ay tulong sa pagsasaayos ng kanilang mga nasirang kabuhayan at kabahayan. Ang ayuda ay pambili rin ng iba pang food items.
Ayon kay Madam Juvy, bahagi ito ng pagtalima sa direktiba ni Mayor Doy na tiyaking walang Calapeño ang mapapabayaan sa panahon ng kanilang pangangailangan.
Magsasaka, ‘nag-sideline’ sa droga, boga
Oct 30, 2026
Laguna gov tututukan infra projects
Oct 29, 2026

