Suspek Himas rehas suspek matapos matimbog ng mga operatiba dahil sa pagdadala ng iligal na baril sa Sta Mesa, Maynila. JONJON C. REYES

Binata arestado sa pagdadala ng iligal na baril sa Sta. Mesa

Jon-jon Reyes Jun 9, 2026
47 Views

TIMBOG ng mga operatiba ng Warrant Section MPD Sta Mesa Police Station 8 ang 43-anyos na lalaki dahil sa illegal possession of firearms and ammunition matapos matunton sa loob ng Barangay Hall sa Bagumbayan St., Sta. Mesa, Maynila, Lunes ng gabi.

Nakilala ang suspek na si alyas Toto, tubong Roxas, Capiz), binata, construction worker, at kasalukuyang naninirahan sa Interior 5 Bagumbayan St.

Ayon sa report ng pulisya, bandang 6:30 ng gabi nang arestuhin ang suspek ng mga otoridad sa pangunguna ni PMAJ. Izen O Retorbar.

Ang warrant of arrest laban sa suspek ay inisyu ni Judge Teresa Patrimonio-Soriaso Presiding, National Capital Judicial Region, Regional Trial Court, Branch 27, ng Maynila.

Inirekomenda ng korte ang piyansa na nagkakahalaga ng P80,000 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.