Calendar
Himas rehas ang suspek na ito matapos nakawin ang LPG at pera ng pulis sa Malate, Manila.
Binata swak sa selda sa pagnenok ng P15K, LPG tank
ARESTADO sa mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang 26-anyos na binata matapos nakawin ang tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) at P15,000 sa 1252 B F. Torres, Unit 401, Brgy. 749 Malate, Maynila noong Linggo.
Nakilala ang suspek na si alyas Joseph, 26, na inireklamo ng pagnanakaw ng pulis na nakatalaga sa RMFB Camp Bagong Diwa Taguig City.
Ayon sa biktima, naganap ang pagnanakaw bandang alas-6:45 ng umaga.
Sinusuri ng biktima ang kanyang CCTV kung saan nakakita siya ng tao na may gustong kunin sa loob ng kanyang apartment.
Bumalik siya sa kanyang apartment at doon nadiskubreng nawawala na ang kanyang tangke ng LPG
Naaresto ang suspek pero hindi na nabawi ang nawawalang P15,000 at tanging ang LPG gas na lamang ang nabawi mula sa suspek.

