Binay

Binay dismayado, shocked; DepEd Usec bukas sa imbestigasyon

230 Views

Mariing itinanggi ni Makati Mayor Nancy Binay nitong Huwebes ang umano’y pagkakasangkot niya sa mga anomalya sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH), na binanggit sa sinumpaang salaysay ni dating Undersecretary Roberto Bernardo.

“I am shocked and saddened that my name is being dragged into the DPWH anomalies. There is no truth to the accusations against me,” ani Binay.

Binigyang-diin niya na wala siyang kinalaman sa mga sinasabing transaksyon at nakatuon lamang siya sa kanyang tungkulin bilang alkalde. “We are quietly working as Mayor of Makati. It is alarming that my name is being used to distract from those who must truly be held accountable in this issue.”

Hindi man tuwirang pinangalanan si Bernardo, nagbabala si Binay laban sa mga mapanirang akusasyon. “It is easy to make false and damaging statements. But my performance in public service has always been above board and beyond a shadow of doubt.”

Wala pa siyang planong magsampa ng kaso ngunit inihayag ang pagkadismaya sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa isyu.

Itinanggi rin ni Department of Education Undersecretary Trygve L. Olaivar ang mga alegasyon matapos mabanggit umano ang kanyang pangalan ng isang opisyal ng Department of Public Works and Highways sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaninang araw. Ayon kay Olaivar, bukas siya sa anumang imbestigasyon at boluntaryo siyang magle-leave upang mabigyan ng patas na pagbusisi ang usapin.

“I deny the allegations made and want to state clearly that I welcome any investigation regarding this matter,” ani Olaivar. “To allow a fair inquiry, I will voluntarily take a leave of absence from my post and am ready to fully cooperate with any and all proceedings.”

Tinukoy si Olaivar sa pahayag na si DPWH Usec. Bernardo,

Nabanggit umano ang pangalan ni Olaivar sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee. Sinabi ng DepEd Usec na handa siyang makipagtulungan sa anumang proseso.