Magsasaka, ‘nag-sideline’ sa droga, boga
Oct 30, 2026
Calendar
Provincial
Bisig Kleta dinaluhan ng RACCO sa Laguna
Gil Aman
Jun 13, 2026
250
Views
BILANG pagdiriwang ng Adoption and Alternative Child Care Week, sumali ang Regional Alternative Child Care Office (RACCO) IV-A at Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa BISIG KLETA Fun Run noong Hunyo 13 sa Time Plaza, Santa Cruz, Laguna.
Layunin ng aktibidad na palawakin ang kamalayan tungkol sa adoption at alternative child care habang hinihikayat ang mamamayan na magkaroon ng aktibo at malusog na pamumuhay.
Dinaluhan ang programa ng mga kawani ng pamahalaan, mga tagapagtaguyod ng kapakanan ng bata, mga siklista, runners at iba pang miyembro ng komunidad.
Tampok din sa pagdiriwang ang Zumba, bike ride at fun run na nagtaguyod ng mas malawak na partisipasyon ng komunidad sa pagsusulong ng kapakanan ng mga bata.
Magsasaka, ‘nag-sideline’ sa droga, boga
Oct 30, 2026
Laguna gov tututukan infra projects
Oct 29, 2026
