Boga

Boga binenta sa parak, nagbenta arestado

Edd Reyes Jun 15, 2025
18 Views

TIMBOG sa pagbebenta ng armas ang 30-anyos na lalaki ng makipag-transaksiyon sa pulis na nagpanggap na buyer noong Sabado sa Navotas City.

Ikinasa ang entrapment ng mga tauhan ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes nang mag-alok ng mamahaling armas ang suspek na si alyas JonJon sa pulis na nagkunwaring naghahanap ng mabibiling pistol.

Pasado alas-11:00 ng tanghali nang makipagtagpo ang suspek sa inaakala niyang buyer sa Brgy. Daanghari, Navotas City na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.

Nabawi sa suspek ang isang itim na P365 Sig Sauer .9mm pistol na may optic sight, flashlight at magazine, pati ang markadong salapi na ginamit sa buy-bust.

Pinuri ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Josefino Ligan ang Navotas police sa pag-aresto sa suspek.