Palawan

Boto ng mga katutubo, itinulak ng COMELEC sa Palawan

90 Views

Palawan1Palawan2Palawan3NARRA, PALAWAN — Walang maiiwan sa darating na halalan! Ito ang matinding paniniguro ng Commision on Election (COMELEC) matapos rumatsada ang kanilang “Bakit Ako Boboto” at “Wear Your RED” campaigns sa Barangay Ipilan sa bayang ito noong Oktubre 8, 2026.

Tinarget ng naturang programa ang mga katutubong Tagbanua upang tanggalin ang mga balakid—tulad ng kakulangan sa mga dokumento—at matiyak na makakaboto sila nang malaya at may kaalaman.

Pinangunahan ito ng COMELEC-Committee on Gender and Youth (COGY) sa ilalim nina COGY Director Atty. Michelle Frances L. Morales-Paredes at COGY Commissioner in Charge Hon. Nelson J. Celis, katuwang ang iba’t ibang ahensya at grupo tulad ng PSA, Local Civil Registrar, IBP, BAYI Inc., at HIRAYA.

Tinalakay ang tungkol sa karapatan sa boto at pag-iwas sa mga paglabag sa eleksyon ang naganap.

Namigay din sila ng tulong para sa civil registration at legal na dokumentasyon ng mga katutubo na matagal nang problema ng iba nating kababayan sa malalayong lugar.

Mainit ding sinuportahan nina COMELEC Region IV-B Regional Election Director Atty. Gloria G. Ramos-Petallo, Palawan Provincial Election Supervisor Atty. Percival Mendoza, at Narra Election Officer Liezl Hablado ang makasaysayang aktibidad.

Patunay lamang ito na pursigido ang COMELEC na abutin kahit ang mga liblib na komunidad para sa isang malinis, patas, at inklusibong eleksyon.