Calapan

Maasahan, mahusay na serbisyo para sa solo parents ng Calapan ginanap tiniyak

Helen D. Prado Oct 10, 2026
90 Views

LUNGSOD ng Calapan–Isinagawa sa Calapan, sa pangunguna ni Mayor Doy Leachon at ng Social Welfare and Development Department (CSWDO) ang Strengthening Internal Systems and Governance for a Sustainable Solo Parent Federation program.

Layunin ng programa na palakasin ang pamamahala, organisasyon at kapasidad ng Solo Parent Federation upang mas maging epektibong katuwang ng pamahalaan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga solo parent at kanilang mga anak.

Mahalaga ang ganitong hakbang dahil nakatutulong ito upang magkaroon ng mas maayos na koordinasyon, mas matibay na samahan, at mas mahusay na paghahatid ng serbisyo at benepisyo para sa mga nasasakupan nito.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, isinusulong ng Calapan ang serbisyong maaasahan, makatao at may malasakit para sa bawat solo parent.