Calendar
BPPO cops ipinadala sa Maynila

KAMPO HENERAL MIGUEL C. MALVAR, Batangas City–Nagpadala ang Batangas Police Provincial Office (BPPO) ng Civil Disturbance Management (CDM) contingent patungong Metro Manila noong Miyerkules para sa pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan.
Pinangunahan ni P/Col. Oliver Ebora, acting provincial director, kasama si P/Lt. Col Dexter Domingo ang personnel accounting, pre-deployment briefing at send-off ng mga pulis.
May panalangin na pinangunahan ni Pastor Adelaide Dela Peña para sa mga pulis.
May 270 tauhan ang magsisilbing katuwang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan ng publiko sa Maynila.
Binubuo ito ng 200 miyembro ng CDM contingent, walong security personnel, 29 na driver, 25 reserve CDM personnel, anim na administrative personnel at dalawang drone operators ang contingent.
Armado ng CDM gear, megaphones at radio ang mga pulis upang masiguro ang ligtas na pagtupad sa misyon.
Binigyang-diin ni Ebora ang kahalagahan ng propesyonalismo sa trabaho.

