Batangas1

BPPO nag-host ng masquerade ball ng mga bebot

197 Views

Batangas

NAG-host ng 2026 Women’s Month Masquerade Ball sa Batangas City Convention Center, Batangas City ang Batangas Police Provincial Office (BPPO) noong Biyernes sa pamumuno ni P/Col. Marlon Rufo.

Dumalo sa aktibidad ang mga miyembro ng Batangas Officers’ Ladies Club na nakamaskara sa pangunguna ni Lea Rufo, tagapayo ng Ladies Club.

Ang masquerade ball ay para sa mga kababaihan at pagpapatupad ng batas at binigyang-diin na ang mga babaeng opisyal ay haligi ng karunungan.

Isang seremonya ng pagbibigay ng gantimpala ang ginanap upang kilalanin ang mga kababaihan na nagpakita ng natatanging pagsisikap at dignidad sa buong pagdiriwang.

Ang kaganapan ay nagbigay ng pagkakataon para sa mga babaeng miyembro ng provincial headquarters kasama ang Batangas Ladies Club.