Magsasaka, ‘nag-sideline’ sa droga, boga
Oct 30, 2026
Calendar
Provincial
Nanghalay na obrero nasakote
Jojo Cesar Magsombol
Mar 29, 2026
423
Views
KAMPO HENERAL MALVAR, Lungsod ng Batangas–Arestado ng mga pulis ang isang construction worker dahil sa kasong panghahalay sa Sitio De Guzman, Brgy. Sabang, Tuy, Batangas noong Biyernes.
Ayon kay Batangas police director P/Col. Marlon Rufo, ang akusado, si alyas Mark, 26, residente ng nasabing lugar.
Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong statutory rape.
Walang inirekomendang piyansa kapalit ng pansamantalang kalayaan ng suspek.
Nasa kustodiya ng Tuy police ang akusado habang inihahanda ang mga kinakailangang dokumento para sa pagbabalik ng warrant of arrest sa nag-isyu na korte.
Magsasaka, ‘nag-sideline’ sa droga, boga
Oct 30, 2026
Laguna gov tututukan infra projects
Oct 29, 2026

