CAAP

CAAP humingi ng paumanhin sa pagbagsak ng kisame sa BIA

Jun I Legaspi Jun 26, 2026
123 Views

CAAP1CAAP2KINUMPIRMA ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na walang naiulat na nasugatan matapos bumagsak ang isang panel ng kisame sa Well-Wishers Area ng Bicol International Airport (BIA) Terminal noong Huwebes, Hunyo 25, 2026.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng CSIS Landside Unit at Airport Medical Team matapos matanggal at bumagsak ang isang panel ng kisame sa harap ng isang restawran bandang alas-5:50 ng hapon.

Agad na isinara at nilagyan ng restriksiyon ang apektadong lugar bilang pag-iingat upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at mga kawani ng paliparan.

Nagsagawa ang Airport Engineering teams ng masusing pagsusuri sa istruktura ng gusali, at sisimulan ang pagkukumpuni at pagpapanumbalik ng lugar matapos makumpleto ang mga kinakailangang safety clearance procedures.

“Taos-puso kaming humihingi ng paumanhin sa abala at pangambang idinulot ng insidenteng ito. Tinitiyak namin sa publiko na agad nang isinasagawa ang mga kinakailangang hakbang upang matugunan ang isyu at matiyak na hindi na ito mauulit,” ayon kay CAAP Director General Retired Lt. Gen. Raul del Rosario.

Muling pinagtitibay ng CAAP ang kanilang pangako sa kaligtasan ng mga pasahero at sa pagpapanatili ng maayos at ligtas na operasyon ng mga paliparan.

Lumagpak ang ceiling panel sa well-wishers area sa harap ng kainan bandang 5:30 p.m.

“Lubos kaming humihingi ng paumanhin sa abala at pangamba na dulot ng insidente. Tinitiyak namin na may agarang hakbang na ginagawa upang maiwasan ang pag-uulit nito,” sabi ni CAAP director general Raul del Rosario.