Calendar
PRO 4A nagkaroon ng personnel accounting

CALAMBA CITY–Punong abala ang Regional Investigation and Detective Management Division ng Police Regional Office (PRO) 4A sa ginanap na daily PNP Personnel Accounting kamakailan sa Kampo Vicente P. Lim.
Layunin nitong ipalaganap ang mga mahahalagang administrative updates, gayundin ang pagpapalakas ng kamalayan ng mga tauhan hinggil sa mga prayoridad at responsibilidad ng organisasyon.
Sinabi ni P/Col. Maximo Sebastian Jr., acting chief ng Regional Staff, na mahalaga ang event.
Ayon kay Sebastian, ang siping ito ay may malalim na kahulugan lalo na para sa mga alagad ng batas na dapat gumanap sa tungkulin ng may integridad at mamumuno sa pamamagitan ng mabuting halimbawa.
“Ang mga ranggo at posisyon ay pansamantala lamang, ngunit ang epekto ng isang buhay na nakatuon sa paglilingkod, karangalan, at karakter ay mananatili kahit tapos na ang panunungkulan ng isang tao,” sabi ni Sebastian,
Ang naturang aktibidad ay bahagi ng Focused Agenda ni PNP chief P/Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.

