Airport

CAAP: Walang pinsala sa mga airports dahil kay Ada

Jun I Legaspi Jan 18, 2026
251 Views

SINABI ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na walang malaking pinsala sa mga pasilidad ng mga paliparan ang pananalasa ng bagyong Ada sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon sa CAAP, mayroon lang apat na biyahe ang kinansela noong Enero 18 na nakaapekto sa 409 na pasahero.

Kabilang sa mga kinansela ang flights 5J 821 (Manila–Virac), 5J 822 (Virac–Manila), DG 6171 (Clark–Masbate) at DG 6172 (Masbate–Clark).

Sa kabila ng masamang lagay ng panahon, operational ang lahat ng paliparan at naka-heightened alert ang mga tauhan ng CAAP upang makaresponde sa anumang posibleng emergency.

Binabantayan ng CAAP ang mga pagbabago sa lagay ng panahon at operasyon ng mga paliparan katuwang ang mga kaukulang ahensya ng pamahalaan at airline operators.