Calapan

Calapan nagkaroon ng fish processing training

Helen D. Prado Apr 17, 2026
35 Views

GINANAP noong Abril 15 ang fish processing training na pinangunahan ni Calapan City Mayor Doy Leachon na naglalayong mapalakas ang kakayahan ng mga kababaihan na kabilang sa sektor ng pangingisda.

Ang pagsasanay ay inorganisa ng Fisheries Management Office (FMO) na pinamamahalaan ni Willy Landicho at City Trade and Industry Department (CTID) na pinamamahalaan ni Joan Leynes.

Katuwang sa programa ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ni Sheryll Montesa, OIC ng Fisheries Post-Harvest and Marketing Section.

Naging benepisyaryo ang SEACAT Marketing Cooperative members at natutunan ng mga kalahok ang canning, bottling at iba pang pamamaraan upang mapataas ang kalidad at halaga ng kanilang produkto.

Binigyang-diin ng Calapan ang kahalagahan ng ganitong programa sa pagpapalakas ng kabuhayan at pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga kababaihan.