Laguna

Pantry program ginanap sa Laguna

Gil Aman Apr 17, 2026
69 Views

GINANAP ang pantry program na pinangunahan ni Gob. Sol Aragones noong Abril 17 sa San Pablo City at Victoria, Laguna kung saan namahagi ng libreng gulay at itlog sa mga residente ang pamahalaang panlalawigan.

Layunin ng programa na makatulong sa gitna ng krisis lalo na sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sa Victoria, Laguna, pinangunahan ang pamamahagi nina dating bise alkalde ng Luisiana na si Luibic Jacob at Doland Castro.

Maayos ang distribusyon sa iba’t-ibang kabahayan na may pagtutok sa mga higit na nangangailangan at sa pagpapalapit ng mga pangunahing pagkain sa komunidad.

Sa San Pablo, nakihalubilo si Gob. Aragones sa mga residente at pinangunahan ang pamamahagi.

Sumakay pa siya sa trolley sa riles upang makapunta sa iba’t-ibang lugar at makapag bahay-bahay sa pamimigay ng mga gulay.