Boga nakuha sa lalaki sa Cavite

Dennis Abrina Apr 17, 2026
61 Views

CAMP BGEN PANTALEON GARCIA, Imus City–Arestado ang lalaki ng mga tauhan ng Dasmariñas City police na nagbenta ng cal .38 revolver sa pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit sa halagang P500 noong Abril 15.

Nahuli ang suspek na si alyas Patrick bandang alas-10:10 ng gabi, ayon kay P/Lt. Col. MacArthur Mercader, hepe ng Dasmariñas police.

Nakuha mula sa suspek ang cal .38 revolver, isang bala at dalawang piraso ng boodle money na ginamit bilang marked money.

Inihahanda na ng mga pulis ang mga kaukulang dokumento para sa pagsasampa ng kaso sa paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

“Patuloy ang kampanya laban sa ilegal na baril upang matiyak ang kaligtasan ng ating komunidad. Hindi tayo titigil sa pagsasagawa ng mga operasyon laban sa mga lumalabag sa batas,” sabi ni P/Col. Ariel Rer, director ng Cavite police.