Calendar
Cayton isinusulong programang magpapabuti sa kalagayan ng taga-Nueva Vizcaya
ISINUSULONG ni House Assistant Majority Leader at Nueva Vizcaya Rep. Atty. Timothy Joseph “Tim” Cayton ang mga programa, proyekto at oportunidad na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan ng Nueva Vizcaya.
Sinisikap ni Cayton na maisulong ang mga panukala at adhikain na makatutulong sa pag-unlad ng kanyang nasasakupan.
Ayon kay Cayetano, bawat araw sa Kongreso ay pagkakataon upang makinig sa pangangailangan ng mga mamamayan, makipagtalakayan sa mga kapwa mambabatas at magtrabaho para sa pagkakaroon ng mas maraming oportunidad at proyektong pangkaunlaran sa lalawigan.
Binigyang-diin din ni Cayton na hindi nagtatapos sa simpleng pagdalo sa mga sesyon ang tunay na paglilingkod sa bayan, kundi nasusukat ito sa tuloy-tuloy na pagkilos at mga konkretong resultang naihahatid sa mga mamamayan.
Layunin ni Cayton na maisulong ang mga programang magbibigay ng positibong pagbabago at kaunlaran sa Nueva Vizcaya.
Bitbit ang paninindigang “Always Present, Always in Action,” hangad ni Cayton na ang bawat hakbang at pagkilos sa Kongreso ay magbunga ng progreso at mas magandang kinabukasan para sa mga Novo Vizcayano.
