Calendar
Source: File photo
CIDG cops tinimbog mga sangkot sa illegal logging, gunrunning
CABANATUAN CITY–Arestado ang dalawang suspek sa paglabag sa mga batas sa kagubatan at baril noong Enero 15 at 16, ayon kay Criminal Investigation and Detection Group-RFU3 Chief Col. Grant Gollod.
Unang inaresto si alyas Geo, 34, sa Brgy. San Agustin Norte, Arayat, Pampanga, dahil sa iligal na pagkuha at pagbebenta ng mga produktong gubat ng walang permit.
Nakumpiska mula sa suspek ang 136 na kahoy na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P200,000, isang Isuzu Elf truck (WTZ 107), buy-bust at boodle money.
Umabot sa P500,000 ang kabuuang tinatayang halaga ng mga nasamsam na ebidensya.
Noong Enero 16 naaresto si alyas Goson, 41, dahil sa ilegal na baril.
Nasamsam sa operasyon ang 12-gauge shotgun, dalawang bala, isang cal .380 pistol, isang magazine assembly, at pitong bala ng cal .380.
Sinabi ng mga awtoridad na inihahanda na ang kasong kriminal na isasampa laban sa suspek sa Provincial Prosecutor’s Office.

