CBCP

Coffee table book inilungsad ng CBCP para sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa bansa

250 Views

ISANG coffee table book ang inilungsad ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Ang libro ay may titulong “Gifted to Give,” ang opisyal na tema ng 500YOC celebration.

Ito ay mayroong limang bahagi: “Colonization and Christianization”; “Piety and Identity”; “War and Sovereignty”; “Democracy and Service”; at “Faith and Modernization.”

Ang libro ay proyekto ng CBCP Commission on Social Communications katuwang ang Radio Veritas Asia at Radio Veritas 846.