Cotabato drug fight 1 utas, 4 tiklo

Alfred Dalizon Mar 13, 2026
129 Views

TODAS ang pinaniniwalaang drug den operator at arestado ang apat na drug suspek sa Malidegao, Cotabato sa anti-narcotics operation noong Huwebes, ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency Director General, Undersecretary Isagani Nerez.

Napatay ang suspek na pinaniniwalaang lider ng drug operasyon na si alyas Ola ng mga miyembro ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Special Enforcement Team at Army’s 40h Infantry Battalion sa Brgy. Nabundas.

Namatay sa pinagdalhang ospital ang suspek at nakilala naman ang apat na naaresto na sina alyas Gapor, 32; Edward, 34; Mata, 19; at Butsokoy, 45.

Mahaharap ang apat sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Narecover sa operasyon ang 20 grams ng shabu na nagkakahalaga ngP136,000, assorted drug paraphernalia, buy-bust money, cal .45 pistol na may magazine na may tatlong live ammunition at rifle scope.